Pangulong Duterte pinuri ang work ethics ng mga Chinese
Bilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa work ethics ng mga Chinese at sa maunlad na ekonomiya ng China.
Sa talumpati sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago – Hugpong sa Tawong Lungsod (HNP-HTL) sa Davao City, sinabi ng presidente na malayo ang Pilipinas kumpara sa kaunlaran ng China.
Iginiit ni Duterte na napakabilis magtrabaho ng mga Chinese dahil sa magandang work ethics ng mga ito.
“Tignan niyo ang China. Ang layo pa natin kumpara sa progress nila. Tignan niyo magtrabaho ang mga Tsino. Lumilipad nga ang mga plato (sa bilis) because ang work ethics nila, kapag trabaho, trabaho talaga. ‘Yan ang advantage nila,” ayon sa pangulo.
Sinabi pa ng pangulo na tuloy-tuloy ang trabaho ng mga Chinese kahit pa bumabagyo.
“Nagtratrabaho pa rin sila kahit kumikidlat. Tayo naman, kahit ambon lang uhmm pneumonia,” dagdag ng presidente.
Ang pahayag ng pangulo ay sa gitna ng umano’y pagdami ng Chinese workers sa bansa.
Sa isang ulat ng Agence France-Presse noong Marso, sinabing nasa 200,000 ang Chinese na tumungo sa Pilipinas para magtrabaho simula nang maupo sa pwesto si Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.