P768 dagdag sweldo sa Luzon, Mindanao ihihirit ng labor group
Maghahain ng petisyon sa wage board ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para madagdagan ang minimum na sweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ihihirit ng TUCP ang P768 na umento sa minimum wage sa mga nagtatrabaho sa Central Luzon at Calabarzon.
Habang P782 naman ang hihilingin nilang dagdag sa Northern Samar.
Sa ngayon ay P400 ang minimum na sweldo sa Central Luzon at Calabarzon habang P365 naman sa Northern Mindanao.
Duda ang TUCP sa paglago ng ekonomiya at kung sapat ng budget ang P10,000 para sa isang pamilya sa loob ng isang buwan.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo pero hindi naman anila tumataas ang sahod ng mga manggagawa.
Bagamat walang katiyakan na sila ay mapagbibigyan, sinabi ng TUCP na layon ng kanilang hakbang na kalampagin ang gobyerno kaugnay ng mababang sahod lalo na ng minimum wage earners sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.