3 gwardya arestado sa paglabag sa gun ban sa Negros Occidental

By Len Montaño May 11, 2019 - 01:22 AM

Tatlong gwardya ang nahaharap sa kasong illegal possession of firearms dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Naaresto ang tatlo matapos umanong maglagay ng checkpoint sa national highway sa Barangay Maytubig, Isabela, Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, hinaharang ng mga gwardya ang mga tataong boboto sa Lunes na makapasok sa bahagi ng highway na nagkokonekta sa polling precincts.

Ang mga gwardya ay inutusan umano ng mga pulitiko sa lugar na bantayan ang checkpoint.

Tumanggi ang pulisya na pangalanan ang kandidato dahil iniimbestigahan pa ang pangyayari.

TAGS: 3 gwardya, boboto, checkpoint, comelec, Gun ban, hinaharang, illegal possession of firearms, isabela, Negros Occidental, 3 gwardya, boboto, checkpoint, comelec, Gun ban, hinaharang, illegal possession of firearms, isabela, Negros Occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.