Duterte idinawit si Trillanes, Otso Diretso sa ‘Bikoy’ videos

Idinawit ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Antonio Trillanes IV na nasa likod ng mga video na nagsangkot sa kanyang pamilya sa droga.

Isinangkot din ng Pangulo ang Otso Diretso at Magdalo party-list sa “Ang Totoong Narcolist” videos na nagpapakita kay Bikoy na ayon kay Duterte ay isang sundalo na kaalyado ni Trillanes.

“Actually ‘yang Bikoy Bikoy, Magdalo ‘yan at Otso Diretso. Production ni Trillanes,” pahayag ng Pangulo sa kampanya sa Davao City.

Matatandaan na sinabi ni Bikoy na tumatanggap ng payola sa sindikato ng droga sina presidential son Paolo Duterte at si dating special assistant to the President Bong Go, bagay na kanilang itinanggi.

Una nang inilabas ng Malakanyang ang matrix kung saan makikita ang mga indibidwal na umanoy nasa likod ng planong patalsikin sa pwesto ang Pangulo pero itinanggi ito ng mga taong nabanggit.

Read more...