Unioil may promo para sa mga botante sa araw ng eleksyon

By Dona Dominguez-Cargullo May 10, 2019 - 08:56 PM SHARE(S):

May promo ang kumpanyang Unioil para sa mga boboto sa Lunes, May 13, 2019.

Sa abiso ng Unioil, sa araw ng eleksyon, ang mga motoristang nakaboto na ay may diskwento na P3.00 sa kada litro ng kanilang mga produkto.

Ibibigay ang naturang halaga ng discount para sa mga produktong Euro 5 Diesel, Euro 5 Gasoline 91, 95 at 97.

Ang promo ay mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga lamang.

Ayon sa Unioil kailangan lamang ipakita ang daliri na may markang indelible ink para matunayan na sila ay nakaboto na.

TAGS: BUsiness, discount, election promo, Radyo Inquirer, Unioil, BUsiness, discount, election promo, Radyo Inquirer, Unioil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.