May rollback muli sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo May 10, 2019 - 08:46 PM SHARE(S):

Good news muli sa mga motorista.

Posibleng magkaroon muli ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng kumpanyang Jetti Petroleum, sa kanilang pagtaya base sa resulta ng trading mula Lunes hanggang Huwebes ay magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng oil products.

Sa pagtaya ay nasa pagitan ng P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang mababawas sa presyo ng gasolina.

Maari namang magkaroon lamang ng P0.10 kada litro na bawas sa presyo ng diesel.

Pwede pang mabago ang halaga depende sa resulta ng trading ngayong araw ng Biyernes.

TAGS: BUsiness, oil price, Radyo Inquirer, rollback, BUsiness, oil price, Radyo Inquirer, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.