LOOK: Precinct finder ng Comelec gumagana na
Ilang oras matapos ianunsyo na sumasailalim pa sa testing, ay gumagana na ngayon ang precinct finder ng Commission on Elections.
Sa pamamagitan ng precinct finder, makikita ng isang botante ang kaniyang precinct number at ang eskwelahan kung saan siya boboto.
Makikita din ang status ng registration ng isang botante o kung siya ba ay aktibong botante o deactivated ang kaniyang registration.
Maaring bisitahin ng mga botante ang https://www.gov.ph/web/precinctfinder
Kailangan lamang ilagay ang full name, kabilang ang middle name, probinsya at bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.