Bocaue mayoralty candidate Joni Villanueva, napagkaisahang iboto ng INC

By Angellic Jordan May 10, 2019 - 07:34 PM

Napagkaisahang iboto ng Iglesia ni Cristo (INC) si Bocaue, Bulacan mayoralty candidate Joni Villanueva para sa nalalapit na May 13 midterm elections.

Nagkaisa rin ang religious group na iboto ang iba pang kasamahan ni Villanueva sa Team SOLID Lingkod Bayan.

Dahil dito, nagpasalamat si Villanueva kay Ka Eduardo Manalo at sa mga kapatid sa INC dahil sa ibinibigay na suporta at tiwala.

Aniya, patunay itong ramdam ng mga residente ang mga itutuloy at ipatutupad pang programa sa Bocaue.

Kaisa aniya nila ang INC para sa tuluy-tuloy na pagpapaunlad at mabigyan ng direktang benepisyo ang mga mahihirap na residente sa nasabing bayan.

Dagdag pa ni Villanueva, hindi nito sasayangin ang suportang ipinagkaloob ng INC.

Mananatili aniya siyang tapat sa Diyos at sa mga kababayan para maituloy ang malinis na track record bilang isang public servant.

TAGS: 2019 elections, bocaue, Bulacan, Iglesia ni Cristo, Joni Villanueva, Ka Eduardo Manalo, mayoralty candidate, 2019 elections, bocaue, Bulacan, Iglesia ni Cristo, Joni Villanueva, Ka Eduardo Manalo, mayoralty candidate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.