Layunin ng party list gawing prayoridad ang edukasyon, magkaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan, suportahan ang mga atletang Pilipino, maglahad ng mga programang pangkalusugan, at magbigay ng libreng gamot.
Libu-libo ang mga nakinabang dahil sa mga programang naitaguyod ng 1PACMAN.
Nakapagbigay ang party list ng 12,000 scholarships para sa lahat ng gustong mag-aral at ang Abot-Alam Program para sa matulungan ang mga out-of-school youth.
10,000 scholarships sa TESDA upang matulungan hindi lamang Overseas Filipino Workers (OFW) kung hindi pati na rin ang mga manggagawang nagtatrabaho sa Pilipinas.
Sa loob ng tatlong taon, nakapaghain si Cong. Romero ng 26 laws na nakatuon sa sports, trabaho, at edukasyon.
Isa sa mga pangunahing batas ni Cong. Romero ay ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act na makapagbibigay ng pagkakataon na makapag-aral sa kolehiyo para sa mas maraming Pilipino.
Naitaguyod rin ng mambabatas ang Free Wi-Fi in Public Areas Act o R.A. 10929 upang magkaroon ang mga estudyante ng libreng internet access sa lahat ng pampublikong lugar.
Kasama rin ang pagtaguyod ng Philippine Sports Training Center o R.A. 11214 na magtatayo ng modern day training facilities para sa lahat ng mga atletang pinoy at ang Universal Health Care Act o R.A. 11223 na layunin ay gawing miyembro ng Philhealth ang lahat ng Pilipino at makapaghain ng tulong para sa hospitalization at healthcare.
Naitaguyod rin ang Free Irrigation Services to All Farmers o R.A. 10969 na nagdaragdag ng kinikita ng mga farmers at produksyon ng agricultural crops.