Ayon sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) magsisimula ang road repair at reblockings alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, May 10.
Kabilang sa maaapektuhan ang sumusunod na kalsada:
EDSA Southbound:
– bago mag-Aurora Blvd., 2nd lane mula sa sidewalk
– bago mag-Monte de Piedad, 3rd lane mula sa sidewalk
EDSA Northbound:
– harap ng Baliwag Transit hanggang New York Street, 1st at 2nd lane mula sa sidewalk
C5 Northbound:
– sa harap ng SM Aura sa tabi ng sidewalk
Ayon sa DPWH, sa Lunes, May 13 alas 5:00 ng umaga ay bubuksan naman na ang mga apektadong kalsada.
MOST READ
LATEST STORIES