Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Bataan, Laguna at iba pang lugar sa Luzon

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa maraming lugar sa Central at Southern Luzon.

Sa abiso ng PAGASA alas 5:13 ng hapon ng Biyernes, May 10, apektado ng malakas na buhos ng ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang Bataan at Laguna.

Parehong panahon din ang naranasan sa sumusunod na lugar:

TARLAC:
– San Jose
– Mayantoc
– Capas

NUEVA ECIJA
– General Tinio

PAMPANGA
– Mabalacat
– Mexico
– Santa Ana
– Arayat
– San Luis
– San Simon
– Apalit

BULACAN:
– Calumpit
– Dona Remedios Trinidad
– San Miuguel

QUEZON:
– Mauban
– Sampaloc
– Lucban

Sa ilalim ng thunderstorm advisory na itinataas ng PAGASA ang apektadong lugar ay maaring makaranas ng malakas na buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras mula nang ilabas ang abiso.

Read more...