Korte pinalilipat si dating BOC executive Jimmy Guban sa Manila City Jail

By Dona Dominguez-Cargullo May 10, 2019 - 05:13 PM

Iniutos ng Manila City Regional Trial Court Branch 35 na mailipat sa Manila Citiy Jail si dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban mula sa pagkakapiit nito sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sa apat na pahinang utos ni Manila Court Judge Maria Bernardita Santos, ibinasura nito ang mosyon ni Guban na humihiling na makapanatili siya sa NBI.

Si Guban ay isa sa mga akusado sa smuggling ng bilyon pisong halaga ng shabu.

Nakasaad sa utos ng korte na hindi pwedeng magdesisyon ang akusado sa kung saang lugar siya makukulong.

Si Guban, dating police official Eduardo Acierto, at anim na iba pa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nais sana ni Guban na manatili sa kostodiya ng NBI dahil sa pangamba umano sa kaniyang buhay.

TAGS: customs, jimmy guban, Manila City Jail, NBI, shabu smuggling, customs, jimmy guban, Manila City Jail, NBI, shabu smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.