WATCH: Sen. Sonny Angara nanuyo sa Batangas, Laguna at Cavite kasama ng pop star na si Sarah Geronimo

By Chona Yu May 10, 2019 - 04:23 PM

Radyo Inquirer Photo / Chona Yu
TANAUAN CITY, BATANGAS – May sariling basehan si Pop Star Princess Sarah Geronimo sa pag-endorso sa kandidatura ni Senador Sonny Angara.

“Muli, ibinibigay ko ang suporta dahil naniniwala ako na mahusay po, matinong lider, na Senador ang aking sinusuportahan,” ayon kay Geronimo sa campaign rally sa Tanauan Institute.

Sinabi ni Geronimo na nakita rin niya ang sinseridad sa pagse- serbisyo ni Angara.

Ayon sa pop star princess, naniniwala siyang mas marami pang magagawa ang senador.

“Marami na siyang nagawa at naniniwala ako na marami pa siyang magagawa, maitutulong para sa ikauunlad at ikaasenso ng ating bayan at para matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan,” ayon kay Geronimo.

Hindi lang aniya sa pag endorso at pagsuporta ang kanyang relasyon sa pamilya angara kundi higit pa.

Nagsimula aniyang maging close ang kanilang pamilya noon pang 2007.

Palagi aniyang pinaalalahanan ng nakatatandang Angara ang kanyang ina na si Divine na papagtapusin siya sa pag-aaral.

Ayon kay Geronimo isa ang kanyang Tito Ed sa kanyang mga inspirasyon.

Nagpasalamat naman si Angara sa suprota ni Geronimo.

Nangangampanya sina Angara at Geronimo ngayong araw sa Batangas, Laguna at Cavite.

TAGS: Batangas, campaign rally, Sarah Geronimo, sonny angara, Batangas, campaign rally, Sarah Geronimo, sonny angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.