14 na report tungkol sa vote buying at dayaan, ieendorso ng PACC sa Comelec

Ieendorso ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Commission on Elections (Comelec) ang labinglimang reports hinggil sa vote buying at electoral fraud.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, marami na silang natatanggap na report tungkol sa vote buying at dayaan.

May mga larawan din at video na ipinakita si Belgica ng umano ay vote buying na naganap sa Isabela, Santiago City, Misamis Occidental, Abra, La Union, at sa Maynila, Muntinlupa, Pasay, at maging sa Hong Kong.

Sinabi ni Belgica na seryoso ang Duterte administration sa pagdaraos ng malinis na eleksyon.

Samantala, nanawagan ang Comelec sa publiko na i-report sa kanila ang kaso ng vote buying.

Read more...