Kandidato ng Hugpong ng Pagbabago bilang board member sa Davao Occidental pumanaw

By Dona Dominguez-Cargullo May 10, 2019 - 03:49 PM

Pumanaw ang isang provincial board member sa Davao Occidental na kandidato ng Hugpong ng Pagbabago.

Ang reelectionist na si Provincial Board Member Alberto Baliota, 60 anyos ay tumatakbo sa ilalim ng HNP.

Pumanaw ito alas 5:30 ng umaga ng May 8 sa Davao Doctor’s Hospital sa Davao City ayon sa kaniyang panganay na anak na si Carlito.

Tumanggi naman si Carlito na banggitin kung ano ang ikinasawi ng kaniyang ama.

Pero ayon sa nakababatang kapatid ni Carlito na si Maria Consuelo pumanaw sa liver-related illness ang kanilang ama.

Nakalagak sa St. Peter Funeral Chapel sa Barangay Poblacion sa Malita ang mga labi ni Baliota.

Sa May 17 ala 1:00 ng hapon nakatakdang ilibing si Baliota.

TAGS: Alberto Baliota, Davao Occidental, hugpong ng pagbabago, Alberto Baliota, Davao Occidental, hugpong ng pagbabago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.