Grupo ng mga manggagawa sa kalusugan, kinondena ang red tagging sa Facebook
Binigyan ng ‘angry emoticon’ ng mga manggagawa health worker ang tanggapan ng Facebook Philippines dahil sa red-tagging umano laban sa kanila.
Ang mga grupo ay kinabibilangan ng Alliance of Health Workers (AHW), Council for Health and Development (CHD), Health Alliance for Democracy (HEAD), Health Action for Human Rights (HAHR), Health Sector Against Tyranny (HealthSTAT), Filipino Nurses United (FNU), Nars ng Bayan (NNB), and Prescription for Peace.
Ayon kay Dr. Joseph Carabeo, secretary general ng Health Alliance for Democracy, masyado silang nababahala sa mga Facebook pages na ibinibilang sila sa CPP-NPA-NDF.
Ginagamit umano ang larawan ng kanilang grupo at ilang indibidwal nang walang pahintulot.
Ayon sa kanilang grupo, daan-daang indibidwal na may Facebook account ang kanilang inireport sa Facebook na may mga malisyosong posts.
Naniniwala naman ang grupo na isinasawalang bahala ng Facebook ang kaninalang reklamo dahil ayon sa kanila inuuna ng Facebook ang pagkakaperahan mula sa kanilang mga user worlwide.
Dagdag pa nila kung natanggal ng Facebook ang DDS na nagpapakalat ng fake news, dapat magawa rin nila ito sa red-tagging dahil nagpapakalat din ito ng fake news.
Binigyan-diin naman ni Carabeo na sila ay totoong manggagawa sa kalusugan at mga propesyonal sa langaran ng medisina at pagkalusugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.