Ayon sa PRRC, naialis na ang mga informal settler sa palibot ng Estero dela Reina at Estero de Pandacan sa Maynila at sa Maytunas Creek sa Quezon City.
Sinabi ni PRRC Executive Director Director Jose Antonio Goitia, giniba na at inalis na ang mga sagabal sa estero.
Bahagi ito ng development projects ng PRRC sa mga estero.
Sinabi ni Goitia na umabot na sa 376 na illegal private structures ang naialis ng PRRC at nakapagtayo na ng 37,471.68 linear meters na environmental preservation areas (EPAs).
Sa pamamagitan ng EPAs inaasahang mapapaganda ang kalidad ng tubig sa mga estero.
Katuwang ng PRRC ang Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA), Department of Public Service (DPS), City Engineering Offices ng Maynila at Quezon City sa isinasagawang clearing operations.