Tatlong hinihinalang miyembro ng ISIS-Daulah Islamiyah Ranao arestado ng PNP
Arestado ang tatlong hinihinalang miyembro ng ISIS-Daulah Islamiyah Ranao sa Parañaque at Rizal, Biyernes (May 10) ng umaga.
Inaresto ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sina Norodin Abolkhair Manalinding at Cairo Gen Manatao sa Barangay Baclaran bandang alas tres y medya ng madaling-araw.
Nahuli naman si Tagoranao Dimaro Sarip Junioy sa Cainta, Rizal dakong alas sais ng umaga.
Kasunod ng isinagawang surveillance operations, hinuli si Norodin at Cairo sa kasong paglabag sa Republic Act 10-5-91 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act, Republic Act 71-66 o Act Providing for Synchronized National and Local Elections for Electoral Reforms at Republic Act 95-16 o Law on Explosives.
Si Norodin umano ang finance facilitator at recruiter ng nasabing grupo.
Nakuha kina Norodin at Cairo ang mga sumusunod:
– 9mm pistol, Armscor na walang serial number
– isang magazine
– siyam na live ammunition
– isang fragmentation grenade
– isang .45 caliber
– isang .45 magazine
– anim na live .45 caliber ammunition, at
– isang itim na tactical bag
Samantala, nahuli si Tagoranao sa bisa ng search warrant sa paglabag sa Republic Act 10-5-91 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act 95-16 o Law on Explosives.
Narito naman ang mga nakuhang armas kay Tagoranao:
– isang .45 caliber, colt pistol na walang serial number
– isang magazine para sa caliber .45
– apat na pirasong live ammunition para sa caliber .45
– isang hand grenade
– isang plastic container box
– isang itim na bandila, at
– isang itim na sling bag
Ayon kay CIDG-NCR director Lt. Col. Arnold Ibay, magbibigyan na ng hustisya ang mga biktima ng mga suspek.
Madadagdag din aniya ito sa kaligtasan ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.