Student to teacher ratio sa school 2019-2020 ipinare-review ng Kamara sa DepEd

By Erwin Aguilon May 10, 2019 - 02:33 PM

Hinikayat ng Kamara ang Department of Education (DepEd) na muling pag-aralan ang student-to-teacher ratio para sa school year 2019-2020.

Sa joint oversight hearing ng House Committees on Appropriations at Basic Education and Culture, hiniling ng Mababang Kapulungan sa ahensya na silipin ang teacher-to-student ratio sa bansa upang maisaayos ang anumang kakulangan at mapaunlad ang pagbahagi ng kaalaman at sistema ng pagtuturo sa Pilipinas.

Sa iprinisintang report ng DepEd, ang average teacher-to-student ratio nitong 2018-2019 sa elementary school ay isang guro sa bawat 29 na estudyante, 1:25 naman sa junior high school at 1:29 sa senior high school.

Aminado naman si DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan na may mga paaralan ang sobra ang bilang ng mga guro at ang ibang eskwelahan ay kinakapos sa bilang dahil sa problema sa relokasyon ng mga ito.

Ngayong taon Target ng DepEd na kumuha ng 10,000 new teacher items upang mapunan ang kakulangan sa bilang ng mga guro sa bansa.

TAGS: deped, school, School Year 2019-2020, Students, teacher to ratio, deped, school, School Year 2019-2020, Students, teacher to ratio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.