Doble-Plaka Law nais ipakansela ni Senior Deputy Minority Leader Atienza sa Kongreso
Ipakakansela ni Buhay partylist Lito Atienza ang batas tungkol sa “Doble Plaka” na nagtatakda na maglagay sa harap at likod ng mas malaking plate number sa mga motorsiklo na kasing laki ng short bond paper .
Ayon kay Atienza, maghahain siya ng panibagong batas sa susunod na kongreso para agad na makansela ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Law na ipinasa ng wala man lang pag-aaral at konsiderasyon.
Nauna na rin ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Land Transportation Office (LTO) na suspendihin ang implementasyon ng kontrobersyal na batas para sa kaligtasan ng mga motorcycle riders.
Ang nasabing batas ay naipasa nitong nakaraang kongreso sa kabila ng pagtutol ng ibang kongresista kabilang na si Atienza.
Sa ilalim ng nasabing batas, itinatakda ng LTO ang mas malaki at color coded plate numbers sa harap at likod ng motorsiklo na kahit na 15-20 metro ang layo ay mababasa ito para umano mapigilan ang mga kriminal na magamit ito lalo na ang mga riding in tandem.
Para kay Atienza, nagiging daring ang ang guns for hire hindi dahil sa motorsiklo kund dahil hindi sila agad nahuhuli at kawalan ng aksyon ng kapulisan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.