NPA commander isa sa mga napatay sa engkwentro sa Isabela
Kunumpirma ng 86th infantry battalion na isang New Peoples Army (NOAPA) commander ang napaslang sa nangyaring engkwentro noong Miyerkules sa Jones, Isabela.
Isa ang NPA commander sa tatlong NPA na napatay sa naganap na sagupaan noong Mayo 8.
Ayon sa Battalion Commander na si Lt. Col. Remigio Dularte, napatay ng mga sundalo sa bakbakan sa Brgy. San Sebastian ang isang alyas Ka Brando na sinasabing kasapi ng Central Front Committee ng NPA.
Kabilang ang naturang Ka brando sa pananambang sa mga sundalo kung saan nasawi si Private First Class Esternado Zipagan at sugatan naman si Militiaman Joey Baguiwong.
Binanggit din ni Dularte na hindi na raw nagpakita itong si Ka Brando sa kanyang pamilya simula noong sumapi sa NPA.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Army Maj. Gen. Pablo Lorenzo, Commander ng 5th Infantry Division ng Philippine Army sa malasakit at tulong ng mga sibilyan sa kanilang kampanya laban sa NPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.