Duterte gumigimik ayon sa ilang taga-LP

By Isa Avendaño-Umali December 10, 2015 - 08:22 PM

Duterte5
Inquirer file photo

Duda ang ilang taga-Liberal Party sa tila pagmamalaki ni Presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na marami na siyang taong napatay.

Sa mga pahayag, sinabi ni Duterte na hindi lamang pitong daan kundi nasa 1,700 katao na raw ang kanyang napaslang sa loob ng administrasyon niya bilang Alkalde ng Davao City.

Pero ayon kay Daang Matuwid Coalition Spokesperson Barry Gutierrez, kung talagang matapang si Duterte, dapat na maglabas siya ng kumpletong impormasyon at detalye gaya ng mga pangalan ng kanyang umano’y pinaslang.

Paliwanag ni Gutierrez, mahalaga na linawin ni Duterte ang kanyang mga sinasabi dahil maaaring imbento lamang ang mga ito para makuha ang atensyon ng publiko lalo’t tatakbo siyang Pangulo sa 2016 Elections.

Dagdag ng Kongresista, na kinatawan ng Akbayan Partylist Group, kailangang magkaalaman kung ang mga pinaslang ni Duterte ay totoo bang masasamang mga tao at mga kriminal, o mga inosente pala gaya ng mga bata o mga journalists.

Nang matanong naman si House Speaker Feliciano Belmonte Jr ukol sa lumalawak na “popularity” ni Duterte, isinagot nito na sana raw ay nakapatay siya ng mas marami para mas “popular” daw siya.

Biro pa ni Belmonte, iisa lamang daw ang kanyang pinaputukan subalit hindi pa raw ito tinamaan.

TAGS: belmonte, Davao City, duterte, Liberal, belmonte, Davao City, duterte, Liberal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.