Holiday sa May 14 hindi na ipipilit ng DOE

By Dona Dominguez-Cargullo May 10, 2019 - 11:09 AM

Hindi na ipipilit ng Department of Energy (DOE) ang pagdedeklara ng holiday para sa May 14 o isang araw pagkatapos ng May 13 elections.

Sinabi ito ni Energy Undersecretary Felix Fuentebella.

Sa ngayon sinabi ni Fuentebella na wala namang pangamba na magkakaroon ng brownout sa kasagsagan ng canvassing ng botohan.

Bumaba na rin kasi aniya ang demand sa kuryente dahil nakararanas na ng pag-ulan nitong nagdaang mga araw.

Una nang sinabi ng DOE na pinag-aaralan nilang hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ding holiday ang May 14,

Ito ay upang matiyak na sapat ang power supply sa simula ng bilangan.

TAGS: Cavassing, elections, Energy, power supply, Cavassing, elections, Energy, power supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.