Daraga Mayor Carlwyn Baldo sumuko sa mga otoridad

Sumuko na sa mga otoridad si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at kaniyang security escort.

Sumuko si Baldo halos isang linggo matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte
Baldo para sa dalawang bilang ng kasong murder na kinakaharap ng alkalde.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Legazpi City Regional Trial Court Branch 10 Judge Maria Theresa Loquillano.

Si Baldo ay unang nadakip noong Enero para sa kasong may kaugnayan sa pag-iingat niya ng mga hindi lisensyadong armas pero pansamantalang nakalaya matapos maglagak ng piyansa.

Read more...