6 sugatan sa banggaan ng kotse at dalawang truck sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo May 10, 2019 - 10:48 AM

Sugatan ang anim na katao kabilang ang tatlong menor de edad sa aksidenteng naganap sa Davao City.

Sangkot sa aksidente ang isang kotse at dalawang truck na nagresulta sa pagkawasak ng husto ng kotse.

Kabilang sa mga nasugatan ay sina Lynette Boras, 39, Caryl Jane Lopez, 29, at Sheryl Esterla, 30, kasama ang 3 menor de edad na pawang naipit sa kotse.

Nagtulong-tulong ang mga residente sa lugar para mailigtas ang mga naipit sa sasakyan.

Ayon kay Police Major Noel Villahermosa, station commander ng Bunawan Police, ginagamot ngayon sa ospital ang mga sugatan.

Base sa imbestigasyon, unang nabangga ng isang dump truck ang likuran ng kotse sa bahagi ng national highway sa Barangay Lasang.

At dahil sa lakas ng impact tumilapon ang kotse sa kabilang lane at nabangga pa ng kasalubong na truck.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries at damage to property ang mga driver ng dalawang truck.

TAGS: 6 persons injured, accident, CAR, Davao City, Radyo Inquirer, truck, 6 persons injured, accident, CAR, Davao City, Radyo Inquirer, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.