NCRPO may case build-up na laban sa mga sangkot sa vote buying sa Metro Manila

May mga binabantayan nang kandidato at botante ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila na sangkot sa vote buying.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NCRPO chief, Police Maj. Guilermo Eleazar, sa ngayon mayroon silang case build-up hinggil sa mga pulitiko na maaring sangkot sa pagbili ng boto.

Sinabi ni Eleazar na may mga nakuha na silang impormasyon at sa mga susunod na araw ay maaring magsagawa sila ng operasyon.

Ani Eleazar sa sandaling maging kumpirmado ang impormasyon ay agad silang magsasagawa ng operasyon hindi lamang laban sa mga kandidato kundi maging sa mga botanteng tumanggap ng pera.

Bawal din ayon kay Eleazar ang pagbibigay ng libreng transportasyon sa mga botante maging ang libreng pakain.

Ani Eleazar, lahat ng uri ng vote buying, may sangkot man na pera o wala ay masusing babantayan ng NCPRO.

Read more...