Dalawang araw na liquor ban magsisimula na sa May 12

Nagpaalala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko hinggil sa nakatakdang pagsisimula ng dalawang araw na liquor ban para sa May 2019 midterm elections.

Iiral ang liqour ban sa May 12 at May 13.

Sinabi ni NCRPO chief, Police Major General Guillermo Eleazar, epektibo ang liquor ban mula alas 12:01 ng madaling araw ng Linggo, May 12.

Ani Eleazar sa nasabing petsa, bawal ang magbenta, bumili at uminom ng nakalalasing na inumin.

Read more...