Yellow alert itinaas sa Luzon Grid

By Dona Dominguez-Cargullo May 10, 2019 - 08:17 AM

Dahil sa manipis pa ring reserba sa kuryente sa Luzon, muling itinaas ang yellow alert sa Luzon grid.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon ay mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon.

Mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,433 megawatts habang aabot sa
10,524 megawatts ang peak demand.

Hindi naman na magpapatupad ng rotational brownout sa kasagsagan ng yellow alert maliban na lamang kung magkakaroon pa ng pagpalya sa iba pang mga planta ng kuryente.

TAGS: luzon grid, Radyo Inquirer, Yellow Alert, luzon grid, Radyo Inquirer, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.