Korte Suprema inabisuhan ang publiko na sarado ang mga korte sa bansa sa Lunes, May 13

Wala ring pasok sa lahat ng korte sa buong bansa sa Lunes, May 13, 2019.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office (SC-PIO) dahil deklaradong special non-working holiday sa buong bansa ang araw ng Lunes bunsod ng gaganaping eleksyon ay walang transaksyon sa lahat ng korte sa bansa.

Sinabi ng Supreme Court na sa Martes, May 14 magre-resume ang normal na operasyon ng mga korte.

Ang araw ng Lunes ay idineklarang holiday sa buong bansa para mabigyang pagkakataon ang publiko na makaboto.

Read more...