Water crisis dapat lutasin ng pamahalaan sa halip na intindihin ang fake ouster plot sa pangulo – Rep. Brosas

May 10, 2019 - 07:54 AM

Hinikayat ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang pamahalaan na unahing solusyunan ang problema sa tubig kaysa ang wala namang katotohanang ouster plot sa pangulo.

Ayon kay Brosas hanggang ngayon ay maraming lugar parin na sineserbisyuhan ng Manila Water at Maynilad ang patuloy na nakararanas ng water interruption.

Ang Iloilo City ay isinailalim pa nga aniya sa state of calamity dahil sa kakapusan sa suplay ng tubig.

Apela ng mambabatas hindi na dapat isapribado ang mga power at water services sa bansa.

Muli ring isinulong ng kongresista ang pangmatagalang economic reforms upang matulungan na mas mapataas ang ekonomiya ng bansa.

TAGS: manila water, Radyo Inquirer, water crisis, manila water, Radyo Inquirer, water crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.