Sen. Win Gatchalian tutol na buwisan pa ang election pay ng mga guro
Hindi pabor si Senator Win Gatchalian sa plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan pa ng buwis ang bayad sa mga guro na magsisilbi sa eleksyon sa darating na Lunes.
Ayon kay Gatchalian, itinataya na ng mga guro ang kanilang buhay sa pagsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) kaya’t makatuwiran lang aniya na wala nang buwis ang kanilang honoraria at travel allowance.
Pagdidiin pa ng senador bukod sa pagod at hirap, ang pagsisilbi ng mga guro ay para sa bayan at mamamayang Filipino.
Sinabi pa ni Gatchalian ang pagbibigay sa mga guro ng buong honoraria at allowance ay maliit na pagtanaw lang ng utang ng loob sa kanilang serbisyo para sa malinis at maayos na eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.