Supermarket nasunog sa Las Pinas

Tinupok ng apoy ang isang supermarket sa Las Pinas City.

Nagsimula ang sunog pasado ala 1:00 ng madaling araw sa Food City Supermarket sa Brgy. Daniel Fajardo.

Ayon sa Las Pinas City fire department, sa stockroom sa ground floor ng establisyimento nagsimula ang apoy.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Alas 5:19 ng umaga nang ideklarang fire out na ang sunog.

Read more...