Tatlong weather system kabilang ang isang LPA, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw

Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ang buong Luzon ay apektado ng Southwesterly surface at ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring makapagdulot ng landslides at flash floods.

Ang Eastern Visayas naman, Caraga at Davao Region ay makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at sa binabantayang Low Pressure Area (LPA).

Ang LPA ay huling namataan sa 860 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng Visayas at sa Mindanao.

Read more...