Hepe ng Agoncillo, Batangas Police arestado sa carnapping

By Len Montaño May 10, 2019 - 04:54 AM

Inaresto ng mga kapwa niya pulis ang hepe ng pulisya sa Agoncillo, Batangas sa gitna ng anti-carnapping operation sa Barangay Mataas na Lupa, Lipa City.

Ayon kay PNP Counter Intelligence Task Force spokesperson Police Lt. Col Renante Lambojo, nahuli si Police Captain Jayson Aguilar na nagmamaneho ng nakaw na sasakyan kasama si Patrolman Mark Dimaano.

Noong nakaraang taon ay nagreklamo anya ang may-ari ng sasakyang Toyota Vios na minamaneho ni Aguilar.

May naka-install na global positioning system (GPS) sa kotse kaya natukoy ang lokasyon ng nawawalang sasakyan sa Agoncillo Batangas Municipal Police at Batangas Provincial Police Office (PPO).

Matapos ang mahigit 1 buwang surveillance, namonitor na gumalaw ang sasakyan kaya inabangan kung sino ang nagmamaneho nito.

Itim ang orihinal na kulay ng kotse pero pininturahan na ito ng puti at sinira na ang chassis number.

Sinabi naman ni Aguilar na ipinahiram lang sa kanya ang sasakyan.

Bukod sa kotse ay nakuha rin sa pulis ang isang hindi lisensyadong baril.

TAGS: Agoncillo, Batangas, carnapping, GPS, PNP Counter Intelligence Task Force, Police Captain Jayson Aguilar, Agoncillo, Batangas, carnapping, GPS, PNP Counter Intelligence Task Force, Police Captain Jayson Aguilar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.