Mag-asawa arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas May 10, 2019 - 04:35 AM

File photo

Arestado ang isang mag-asawa sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Cenacle Drive, Brgy. Culiat, Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Alex Alberto ng QCPD Station 3, parokyano ng mag-asawa ang ilang mga residente sa lugar.

Nakikipagtransakyon umano ang mga ito sa isang paradahan ng tricycle.

Positibong nakabili ang police poseur buyer ng P1,000 halaga ng hinihilang shabu mula sa mag-asawa.

Nakumpiska mula sa mga ito ang nasa 30 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P200,000.

Pinabulaanan naman ng dalawang suspek na sa kanila ang mga nakuhang shabu.

Mahaharap ngayon ang mag-asawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 30 gramo, arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Mag-asawa, quezon city, shabu, 30 gramo, arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Mag-asawa, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.