Layon ng hakbang na isapinal ang alituntunin sa pagtugon sa mga reklamo ng vote buying.
Sa pakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agencies ay inilunsad ng Comelec ang Task Force Kontra Bigay araw ng Huwebes.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, para mag-prosper ang isang kaso dapat ay may complainant at mayroon itong sinumpaang salaysay.
Kapag naisampa na anya ang reklamo ay susuriin ng Comelec ang ebidensya.
Oras na makalap na ang ebidensya ay saka naman ito ibibigay sa task force para sa kaukulang aksyon.
MOST READ
LATEST STORIES