Comelec naglunsad ng anti-vote buying campaign

By Len Montaño May 10, 2019 - 04:29 AM

Inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang kampanya laban sa vote buying apat na araw bago ang eleksyon.

Layon ng hakbang na isapinal ang alituntunin sa pagtugon sa mga reklamo ng vote buying.

Sa pakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agencies ay inilunsad ng Comelec ang Task Force Kontra Bigay araw ng Huwebes.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, para mag-prosper ang isang kaso dapat ay may complainant at mayroon itong sinumpaang salaysay.

Kapag naisampa na anya ang reklamo ay susuriin ng Comelec ang ebidensya.

Oras na makalap na ang ebidensya ay saka naman ito ibibigay sa task force para sa kaukulang aksyon.

TAGS: comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, complainant, sinumpaang salaysay, Task Force Kontra Bigay, vote buying, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, complainant, sinumpaang salaysay, Task Force Kontra Bigay, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.