Mabigat na daloy ng trapiko inaasahan sa Pasig City ngayong Biyernes at Sabado

By Rhommel Balasbas May 10, 2019 - 04:15 AM

Inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang mga kalsada sa Pasig City simula ngayong araw hanggang bukas, araw ng Sabado (May 11).

Ito ay dahil sa mga gaganaping miting de avance ng ilang mga partido.

Sa abiso ng Pasig Public Information Office, mula mamayang hapon ay apektado ng isasagawang miting de avance ng Nacionalista Party ang E. Santos, Aplaya, Miguel, Mabini, Kalawaan, Plaza Rizal Intersection, F. Manalo at Caruncho.

Bukas naman, alas-3:00 pa lamang ng madaling araw ay isasara na ang bahagi ng M. Eusebio Avenue.

Apektado mula alas-11:00 ng umaga ang Capt. Henry Javier, St. Martin, St. Paul, Meralco at Lanuza dahil sa miting de avance naman ng PDP-Laban.

Pinapayuhan ng Pasig PIO ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta para maiwasan ang abala.

TAGS: Miting de Avance, Nacionalista Party, Pasig City, Pasig Public Information Office, PDP Laban, trapik, Miting de Avance, Nacionalista Party, Pasig City, Pasig Public Information Office, PDP Laban, trapik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.