9 arestado sa buy-bust operation sa Maynila

By Rhommel Balasbas May 10, 2019 - 04:08 AM

Timbog ang siyam katao sa isinagawang buy-bust operation sa isang hotel sa Malate, Maynila.

Ayon kay Manila Police District (MPD) chief Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. target ng operasyon ng Malate Police Station Drug Enforcement Unit si Cedric Rian Santos.

Positibong nakabili ang poseur buyer ng droga mula sa suspek at agad na sinugod ang inuupahang unit nito sa hotel.

Tumambad sa mga pulis ang walo pang kasabwat ng suspek sa pagbebenta ng droga.

Narekober ng mga pulis ang 43 ecstasy tablets na tinatayang nagkakahalaga ng P107,500; 10 gramo ng high-grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng P7,000; tatlong bote ng liquid ecstasy na nagkakahalaga ng P30,000 at apat na bote ng Ketarol na may street value na P40,000.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: ‘liquid ecstacy’, 43 ecstasy tablets, 9 katao, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Ketarol, Kush, manila, Manila Police District, P100k halaga, ‘liquid ecstacy’, 43 ecstasy tablets, 9 katao, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Ketarol, Kush, manila, Manila Police District, P100k halaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.