Mga operators pinalagan ang ‘white taxi’ ban sa NAIA Terminal 1

By Len Montaño May 10, 2019 - 04:02 AM

Pinalagan ng grupo ng mga regular taxi operators ang pagbabawal sa kanilang magsakay ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon kay Bong Suntay ng Philippine National Taxi Operators Association, balewala ang taxi ban sa NAIA dahil sa ibang bansa ay pinapayagan ang mga regular na taxi na kumuha ng mga pasahero sa kanilang mga paliparan.

Pahiwatig nito, walang saysay ang “white taxi” ban sa airport maliban na lang anya kung may gustong protektahan na ibang sektor ng transportasyon.

Pahayag ito ng grupo matapos iutos ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ban sa regular taxi sa NAIA dahil sa pangingikil ng isang driver sa dalawang dayuhang vloggers.

Pero sinabi ng paliparan na pwede namang magbook ng Grab ang pasahero, sumakay sa coupon taxi na may fixed rate, airport bus service na diretso sa mga mall at hotel at ang yellow-metered taxi na P70 ang flagdown rate.

TAGS: ban, Bong Suntay, MIAA, NAIA, pangingikil, Philippine National Taxi Operators Association, regular taxi, terminal 1, vlogger, white taxi, ban, Bong Suntay, MIAA, NAIA, pangingikil, Philippine National Taxi Operators Association, regular taxi, terminal 1, vlogger, white taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.