Lacson: Mga aktibong pulis nasa likod ni ‘Bikoy” sa pagdawit kay PNoy sa droga

By Len Montaño May 10, 2019 - 03:21 AM

Ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson araw ng Huwebes na mga aktibong police officers ang nasa likod ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” sa tangka nitong idawit si dating Pangulong Benigno Aquino III sa illegal drugs noong 2016.

Pahayag ito ni Lacson matapos nitong kanselahin ang nakatakdang hearing ngayong Biyernes May 10 kaugnay ng alegasyon ni Advincula.

Si “Bikoy” ang naka-hood na lalaki sa likod ng “Ang Totoong Narcolist” videos na nag-akusa sa pamilya at mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng droga.

Ayon sa Senador, hindi niya alam kung ang mga tao na nasa likod ni Advincula noong 2016 ang siya ring nasa likod nito ngayon.

“Hindi ko alam kung pareho pero may mga nag-handle sa kanya noon, based on information na mga sabihin ko nang mga active members of the PNP at that time, noong 2016. Pero kung sino nagha-handle sa kanya ngayon if the same people, hindi ko na alam ‘yun but yung information that I gathered he was working with some PNP personnel who were still active at that time,” ani Lacson.

Binigyan umano si Lacson ng mga pangalan ng mga pulis na dating nagtatrabaho kay Advincula pero kukumpirmahin pa anya ang impormasyon.

Sa tingin ng Senador, targert ng mga aktibong pulis na kumuha kay Advincula sina Aquino, dating Senador Mar Roxas at dating Executive Secretary Paquito Ochoa dahil gusto ng mga ito na bumango ang kanilang pangalan sa administrasyong Duterte.

Nag-execute pa anya si Advincula ng sinumpaang salaysay noong December 2016 kung saan idinawit nito si Aquino sa illegal drugs trade.

Personal na kilala ni Lacson ang iba sa police officers na nagtrabaho para kay Advincula at ang iba anya sa mga ito ay aktibo pa rin sa PNP.

TAGS: “Ang Totoong Narcolist”, aktibong pulis, bikoy, dating Pangulong Benigno Aquino III, Droga, Peter Joemel Advincula, Senator Panfilo Lacson, “Ang Totoong Narcolist”, aktibong pulis, bikoy, dating Pangulong Benigno Aquino III, Droga, Peter Joemel Advincula, Senator Panfilo Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.