DFA: Walang passport processing sa Lunes, May 13
Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sarado ang lahat ng kanilang consular offices sa buong bansa sa Lunes, May 13, araw ng halalan.
Ayon sa kagawaran, alinsunod ito sa deklarasyon ng Palasyo ng Malacañang na special non-working holiday ang May 13 para sa midterm elections.
Dahil dito, ang mga passport applicants na may confirmed appointments sa May 13 ay ia-accommodate sa kanilang original sites mula May 14 hanggang 31 maliban sa araw ng Sabado.
Kailangang dalhin ng mga aplikante ang kanilang confirmed passport appointments kabilang ang kinakailangang requirements.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.