DOH ikinalungkot ang pamamaril sa Mental Hospital

Ikinalungkot ng Department of Health (DOH) ang pamamaril sa National Center of Mental Health (NCMC) sa Mandaluyong City na ikinamatay ng isang mag-lolo.

Nakiramay din ang DOH sa pamilya ng mga biktima.

Sa kanilang opisyal na pahayag humiling ang ahensya ng privacy para sa nagluluksang pamilya dahil sa sensitibong isyu ukol sa napatay na pasyente.

Kinumpirma ng DOH na walang ibang pasyente at staff ng ospital ang sangkot sa insidente.

Tiniyak pa na normal ang operasyon sa NCMH.

Para sa kaligtasan ng mga tao ay hinigpitan ang seguridad sa ospital.

Samantala, iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pangyayari.

Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa ospital bilang pagtugon sa ginawang pamamaril ng isang lolo sa kanyang misis at apo nito na pasyente sa ospital.

Read more...