DOH ikinalungkot ang pamamaril sa Mental Hospital

By Len Montaño May 10, 2019 - 02:36 AM

Ikinalungkot ng Department of Health (DOH) ang pamamaril sa National Center of Mental Health (NCMC) sa Mandaluyong City na ikinamatay ng isang mag-lolo.

Nakiramay din ang DOH sa pamilya ng mga biktima.

Sa kanilang opisyal na pahayag humiling ang ahensya ng privacy para sa nagluluksang pamilya dahil sa sensitibong isyu ukol sa napatay na pasyente.

Kinumpirma ng DOH na walang ibang pasyente at staff ng ospital ang sangkot sa insidente.

Tiniyak pa na normal ang operasyon sa NCMH.

Para sa kaligtasan ng mga tao ay hinigpitan ang seguridad sa ospital.

Samantala, iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pangyayari.

Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa ospital bilang pagtugon sa ginawang pamamaril ng isang lolo sa kanyang misis at apo nito na pasyente sa ospital.

TAGS: doh, Lola, lolo, Mental Hospital, National Center of Mental Health, Pamamaril, pasyente, doh, Lola, lolo, Mental Hospital, National Center of Mental Health, Pamamaril, pasyente

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.