Warriors 1 panalo na lang para umabante sa NBA Western Conference finals matapos talunin ang Rockets

By Len Montaño May 10, 2019 - 02:00 AM SHARE(S):

Isang panalo na lang ang Golden State Warriors para sa posibleng pang-limang finals appearance sa NBA Western Conference matapos talunin ang Houston Rockets sa Game 5 ng best of seven semi-finals series sa score na 104-99.

Nagawa ng Warriors ang ga-hiblang panalo kahit nawala si Kevin Durant dahil sa injury.

Nagtamo si Durat ng strained right calf sa natitirang 2 minuto at 5 segundo sa third quarter.

Pero hindi ito nakabawas sa performance ng kanyang teammates na sina Klay Thompson na gumawa ng 27 points at Stephen Curry na may 25 points.

Pinangunahan naman ni James Harden ang scoring ng rockets sa nagawa nitong 31 points.

Muling maghaharap ang 2 koponan sa Game 6 sa Biyernes o Sabado ng umaga dito sa Pilipinas.

TAGS: 1 panalo na lang, Finals, Game 5, golden state warriors, Houston Rockets, injury, James Harden, Kevin Durant, Klay Thompson, NBA Western Conference, semi-finals, Stephen Curry, 1 panalo na lang, Finals, Game 5, golden state warriors, Houston Rockets, injury, James Harden, Kevin Durant, Klay Thompson, NBA Western Conference, semi-finals, Stephen Curry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.