WATCH: Arjo Atayde hinalikan sa balikat si Maine Mendoza

everythingmaine IG

Tila ipinakita ng aktor na si Arjo Atayde ang kasabihan na “action speaks louder than words.”

Walang kumpirmasyon mula kay Arjo at Maine kung sila na ba pero makikita sa ilang aksyon ng binata ang sweetness sa rumored girlfriend nito.

Sa sa isang video ay mapapanood si Arjo na naka-akbay kay Maine.

Pagkatapos ay dahan-dahan na hinalikan nito ang dalaga sa balikat.

Magkasama ang dalawa para sa post birthday party ni Maine.

Una rito ay tumanggi si Arjo na kumpirmahin kung mas higit pa sa “dating” ang ugnayan nila ni Maine.

Binanggit nito ang ilang isyu gaya ng banta sa kanya at kanyang pamilya mula nang mabunyag na nagkikita sila ni Maine.

Sinasabing ang mga negatibong komento ay galing sa mga fans ng Aldub kung saan partner ni Maine si Alden Richards.

Read more...