Duterte hindi nakadalo sa Hugpong ‘miting de avance’ sa Davao City

By Len Montaño May 09, 2019 - 11:32 PM

File photo

Dahil sa pagod ay hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa miting de avance o huling kampanya ng Hugpong ng Pagbabago sa Davao City Huwebes ng gabi.

Ayon kay dating special assistant to the president at senatorial candidate ng administrasyon na si Bong Go, pagod lamang ang Pangulo.

“Pagod. Pagod lang. Marami kami nilakad kahapon,” ani Go.

Nabatid na naglagay na ng podium na mayroong bulletproof glass sa stage para sa Pangulo.

Una rito ay nagtalumpati si Duterte sa Bohol para naman sa kampanya ni dating cabinet secretary Jun Evasco na tumatakbong gobernador ng lalawigan.

Pero sa kampanya Huwebes ng gabi ay inanunsyo ni Davao City Mayor Sara Duterte, campaign manager ng Hugpong ng Pagbabago na hindi makakarating ang kanyang ama.

“The President won’t be here but he saw our event via livestream. He is thankful for all your support for his candidates,” pahayag ng alkalde.

TAGS: bong go, bulletproof glass, Davao City, Davao City Mayor Sara Duterte, hugpong ng pagbabago, Miting de Avance, pagod, Rodrigo Duterte, bong go, bulletproof glass, Davao City, Davao City Mayor Sara Duterte, hugpong ng pagbabago, Miting de Avance, pagod, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.