2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Mental Hospital

By Len Montaño May 09, 2019 - 10:36 PM

Patay ang isang 27 anyos na pasyente sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City habang sugatan ang lola nito matapos silang barilin ng sariling lolo at mister.

Ayon kay Mandaluyong Police chief Moises Villaceran Jr., kasama ang kanyang misis ay binisita ng lolo na si Wilfredo Ocampo Jr. ang kanilang apo na si Joshua Anthony Ocampo na pasyente sa Mental Hospital.

Habang kinakausap anya ng lolo ang apo na nasa Pavillion 6 Ward 1 ay iba ang sagot ng biktima. Ikinagalit ito ng lolo kaya binaril niya ang kanyang apo.

Dahil naman nabigla ay nagwala ang lola pero binaril din ito ng kanyang asawa.

Dinala sa ospital ang lola na asawa ng suspek at kasalukuyang nagpapagaling mula sa tinamong dalawang tama ng bala ng baril.

Matapos barilin ang mag-lola ay tatlong putok ng baril ang narinig sa lugar at nalaman kalaunan na patay na rin suspek.

Iniimbestigahan kung paanong nakapasok sa ospital ang baril gayung maski ang mga naka-unipormeng pulis ay bawal magdala ng baril sa Mental Hospital.

TAGS: apo, Lola, lolo, Mandaluyong City, Mental Hospital, National Center for Mental Health, Pamamaril, pasyente, patay, Pavillion 6, Ward 1, apo, Lola, lolo, Mandaluyong City, Mental Hospital, National Center for Mental Health, Pamamaril, pasyente, patay, Pavillion 6, Ward 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.