Ilang Catholic school sa Sri Lanka, bubuksan na sa susunod na linggo
Bubuksan na ang ilang Catholic school sa Sri Lanka sa susunod na linggo.
Ito ay matapos ang serye ng pagsabog sa lugar noong Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay sa Colombo.
Inaasahan na rin ang pagsasagawa ng misa sa darating na araw ng Linggo.
Ayon kay Archbishop of Colombo Cardinal Malcolm Ranjith, tinanong ang mga pari kung makapagsasagawa ng misa depende sa sitwasyon ng seguridad.
Nasa 250 katao ang nasawi makaraang magpasabog ang ilang suicide bomber sa tatlong simbahan at tatlong hotel sa Colombo.
Matatandaang mahigit dalawang linggong kinansela ang mga aktibidad ng mga simbahan at pasok sa mga eskwelahan dahil sa mga natatanggap na banta ng pag-atake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.