Isang hukom, patay sa ambush sa Zamboanga del Norte
Patay ang isang judge ng Zamboangal del Norte regional trial court sa pamamaril, Huwebes ng hapon.
Ayon kay Police Lt. Darwin Navarro, binaril ang biktimang si Sindangan, Zamboanga del Norte Regional Trial Court Branch 11 Judge Reymar Lacaya sa parking area ng courthouse building sa Liloy.
Sa ngayon, hindi pa kilala ang responsable sa pamamaril.
Samantala, kinondena naman ni Chief Justice Lucas Bersamin ang pamamaslang si Lacaya.
Hinikayat ni Bersamin sa mga otoridad ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon para mahuli ang suspek sa krimen.
Si Lacaya ay anak ni dating Zamboanga del Norte governor Virgilio Lacaya.
Si Lacaya ang ikaapat na judge na nasawi habang nasa judiciary service mula 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.